EPIC FAIL =_=
  • Unang-una hindi natuloy ang pag-excuse namin sa klase kaya uwian nalang kami pumunta sa La Salle.
  • Cleaner ako habang si Ariane umuwi pa para kumuha ng requirements.
  • Hindi namin alam kung anong sasakyan na jeep papunta doon kaya lalong nagtagal ang oras.
  • Pagdating namin doon sarado na daw yung office kaya hindi kami nakapagpasa, sayang effort.
  • Napagdesisyunan nalang naming pumuntang SM, pagsakay namin ng jeep dahil sa shushunga-shungaers ako nauntog ako dun sa may speaker ata ng jeep yun at syempre pawaepek kunyari di masakit, tuloy ang buhay. 
  • Tapos sa Sm, pumunta kaming National Bookstore at ayun nabadjao lang kami kaya lumayas nalang kami.
  • At dahil sa gabi na naisipan naming kumain. Pumunta kaming food court at sa kasamang palad hindi masarap ang nabili naming pagkain.
  • Nauhaw kami kaya bumili kami ng inumin. Ang pait ng juice ko habang si Ariane hindi din nainom ang tubig niya kaya sayang pera.
  • Nung pauwi na kami naramdaman ko na parang naluwag yung sa may sapatos ko nung una hindi ko muna pinansin nung nasa malapit na kami sa may labasan ng SM, napagisipan kong bumili ng tsinelas dahil talagang parang bibigay na ayoko namang umuwi ng nakapaa diba. At ayun sa kasamang palad nasira yung swelas ng sapatos ko(hindi niya kinekeri kaya) at naiwan dun sa may labasan ng SM at dahil sa kahihiyan na yun hindi ko na ito binalikan at naglakad palayo sa mga taong nalabas. THE END . Ansaya diba?

(Source: utakbagopuso)



I ♥ U TATAY :)

Ngayong araw na to may pinarealize nanaman ang Lord sakin. Siguro dahil narin sa masyado na ngang napapalayo ang loob ko sa lolo ko dahil sa mga pangyayari dito sa bahay.Lagi kasi akong naiinis sakanya nitong mga nagdaang buwan , may mga hindi kasi sila pagkakaunawaan minsan ni mama or minsan kapag may sinasabi siyang hindi maganda or sa tingin ko para sa akin ay hindi tama ipipilit niya parin kaya minsan naiwas nalang din ako para di ako makagawa ng kasalan(like sumagot). I was doing my project in TLE kasi kanina eh talagang wala akong mahanap na mga requirements ni Mam kaya lumapit ako sa lolo ko kasi sabi ni mama meron daw siya. So ayun naabutan ko yung lolo ko na parang inaantok sa may likod ng bahay namin nakaupo.Sabi ko ” Tay may Residence Certificate kaba?” tapos ayun sabi niya meron daw then ayun hinanap niya sa may wallet niya tapos nagpatulong narin ako sa iba pa gaya ng SSS kasi meron din daw kasi siya. Then ayun kinuha niya yung envelope sa may sasakyan niya tapos tinulungan niya kong maghanap.Tapos nung napazerox ko na lahat ng nahanap ko na requirements sinabi ko yun sa lolo ko tapos nagtatalon ako kasi atlast konti nalang matatapos ko na siya.Tapos ikinuwento ng lolo ko sa lola ko yung nangyari.Napansin ko na masaya talaga siya na natulungan niya ko, na may nagawa siya para sakin. Siguro maliit lang na pangyayari siya or normal lang sa iba pero ako may narealize ako dun. Na I was super blessed by God na meron akong lolo na katulad niya,na kahit anong oras kapag nangangailangan ako eh handa akong tulungan. Masyado lang siguro akong nagfocus dun sa tampo ko kaya hindi ko maappreciate yung mga pagsesermon niya samin. Ngayon ko lang narealize na baka nagaalala lang siya samin kaya ganun, kasi alam ko namang mahal niya kami. Thank you Lord kasi pinarealize niyo sakin na may mga bagay na hindi ko napapansin, andyan lang naman lagi sa tabi ko pero ako lang mismo ang ayaw pumansin. Na I was blessed kasi kasama ko siya at eto may chance pa po kong iparamdam sakanya how much I love him. :)

(Source: utakbagopuso)



Yung feeling na andaming pinapakuha at pinapahanap sainyo ng teacher mong kung anuanu ..

Bad Vibes =_= amp . Di ko naman maintindihan kung para san gagamitin yun at lalong lalo sang lupalop ko naman kukunin yun?

(Source: utakbagopuso)



Sweet Sixteen :) ♥

Wuu ngayon lang ako sinipag ipost ito ..

August 19

Sobrang thankful ako kay God kasi akalain mo yun 16years na ang nakalipas simula ng likhain ako ni Lord at eto andito parin ako, malakas at masaya. Ngayong birthday ko sobrang dami kong narealize at mas naappreciate ko ang mga bagay-bagay.Unang-una na dun ay yung sa loob ng 16 years of existence ko hindi pla nasayang yun sapagkat nagkaroon ako ng mga kaibigan(JAMM!Best!). Nakakatouch lang kasi naalala pla nila at talagang inintay pa nilang mag-12 para lang mabati ako, simple lang siguro para sa iba pero para sakin ang sarap sa feeling lalo na pag nababasa mo yung mga message nila para sayo, wuu imba lang yung feeling.Pangalawa narealize ko na mapalad pla ko kasi ako kasama ko ang pamilya ko,specially ang parents ko sa pagcecelebrate ng birthday ko.Kasi nung umaga pag-gising ko binati ako ng mga lola ko then narinig yun ng katulong namin sinabi niya “Ay birthday mo pla kaya pla andaming niluluto! kabirthday mo pla yung anak ko.” napaisip ako nun, Pano kaya kung nanay ko yung ganun?Yung birthday ko pero hindi ko siya pedeng makasama dahil hindi naman siya basta basta makakauwi dahil sa trabaho, baka sobrang tampo ko nalang kay Mama nun ,Birthday ko tapos iba ang kasama nya?Kaya sobrang thankful ako kasi kahit late na nakauwi si Papa dahil sa meeting atleast dumating siya at nakasama ko siya sa kaarawan ko.Pangatlo, dapat kasi hindi ako makakasimba kasi nga late na ko nagising. Gusto ko din sana isama si Mama sa church na sinisimbahan ko kaso parang nagdadalawang isip siya tyaka marami siyang ginagawa nun.Kaya ayun buti nalang nung tinext ko yung kaibigan ko sige daw gora kami kasi aabot pa naman, kaya ayun dali-dali kami. Pagkatapos ng simba paalis na sana kami bigla kaming tinawag ni Ate Clarisse(isa sa leader ng mga youth sa church) Then ayun kakausapin lang daw kami saglit tapos dun sinabi samin na tutal matagal na rin daw kaming nagsisimba sa JCWPCC maganda daw na pumili na kami ng isang ministry na gusto naming salihan and ayun pinili namin Singing Ministry. Sobrang nakakatuwa kasi matagal ko ng gustong sumali sa isang ministry, kaya sobrang gandang birthday gift sakin yun. Kaya Thank you Thank you talaga kay Lord. Pang-apat sobrang kinikilig ako sa tatay ko kasi kinabusan nun(Monday) nag-yayaya ako gumala eh ayun papasok si Papa kaya nung umaga nagising ako kasi may binulong si Papa may nilagay siya sa kamay ko(,pera pla) sabi niya Happy Birthday daw tapos kiniss niya ko sa noo, eh kaso bangag pa ko kaya nag-thank you nalang ako tapos ayun mga bandang 9:00 bumangon na ko tapos tinext ko si papa “Thank you Papa, I love you “then ayun nagreply siya I love you too tas mag enjoy daw ako.Kahit hindi bonggang birthday party ang nangyari sobrang saya parin kasi nakasama ko ang pamilya ko at sobrang naramdaman ko na I am loved lalong lalo na ng parents ko, na isa sa mga dahilan kung bakit nakumpleto at naging masaya ang Kaarawan ko. Sweet Sixteen :) ♥

(Source: utakbagopuso)



RF: Hindi bagay sakin ang lipstick na pula .

Hindi ko alam kung bakit pero nagmumuka akong bakla =_=?

(Source: utakbagopuso)



5 days to go :”>

(Source: utakbagopuso)



HAPPY 2ND FRIENDSARY JAMM!!

AMM!Ariane-Mother B!Myel-Mama bear!Malyn-Te Mals!Hello! XP

Akalain niyo yun 2years na tayong magkakasama. Hindi paba tayo nagsasawa sa isa’t isa X))?Choss lang. Maraming-maraming salamat sa lahat;sa suporta at palaging pagdamay sakin, sa pagsakay sa mga kadramahan at kakornihan ko thank you thank you talaga. Salamat sa pagiging mabuting kaibigan(weh?), ate, at paminsan nanay pa nga(Myel) :D. Salamat sa masasarap na ulam na lagi niyong binabaon tapos syempre hihingi ako salamat!(lalo na kay Ariane x)) kaya namamayat). Salamat din kay Te Mals na kachikahan ko pagdating sa SNSD,Wattpad, at paggigitara. Wag sana kayong magbago at magsawa na sakyan ang mga trip ko. Nagpapasalamat talaga ako kay Lord dahil hindi lang kadamay sa mga kaechosan ng buhay kundi binigyan nya rin ako ng mga kaibigan na tumutulong sa paglago ko as a Christian.Sorry kung wala akong matulong paminsan kapag may problema kayo pero alam niyo namang lagi lang akong nandito para sainyo.Wuu sige yun lang ang haba na baka maiyak pa kayo XD.HAPPY FRIENDSARY ULIT JAMM!I LOVE YOU SAGAD!:* >:D< !

(Source: utakbagopuso)



Masaya plang magkaaso sa bahay :”>

Sana pumayag si mama na dito muna yung aso ng boypren ni ate ansaya kasi parang may baby na rin sa bahay. Kahit nangangapa nung una masaya din pla,sobrang kulit. Hindi kasi talaga ako mahilig sa aso, yung andito kasi sa may tita ko laging nananahol o di kaya parang mangdadamba, katakot tuloy. Nung isang beses naman sa kapitbahay namin nahabol ako engot ko kasi muntik pa makagat. Pero si Ahloe kasi ang cute anliit lang tapos nakakatuwa pag nasunod siyang mag-sit kahit minsan isnabers muka tuloy kaming tukmol na sit ng sit :)) pero masaya parin naman. Sana talaga pumayag at wag na ipabalik >o<.

(Source: utakbagopuso)



Goodevening :)

Inactive ng ilang araw, ang abnoy kasi ng computer kung kelan walang pasok dun pa nasira =_= Kamusta kayo?

(Source: utakbagopuso)



Goodevening -_-

Di ako pinayagan pumuntang church naulan daw may Youth Fellowship pa naman >o Sayang!

(Source: utakbagopuso)



Theme made by Max Davis.